Martes, Marso 4, 2014

dekonstruksyon ng tula... BABALA!!!



GATAS AT ITLOG
Alagaan mo ang manok
Bibigyan ka ng itlog.

Ang gatas at ang itlog
Ay pagkaing pampalusog.
Ang saging at papaya
Ay pagkaing pampaganda.

Ikaw'y uminom ng gatas
At kumain ka ng itlog.
Hindi magtatagal
At ikaw'y bibilog.

         Ang tulang pambata na ito ay isang kanta patungkol sa nutrisyon na makukuha sa itlog, gatas, papaya, at saging. Sinasabi lamang sa tula na dapat tayong kumain at uminom ng mga ito upang tayo ay maging malusog at maganda. Ngunit kung gagamitan ko ito ng TEORYANG VOYERISMO, ang manok at itlog sa unang taludtod ng tula ay tumutukoy lamang sa pribadong parte ng katawan ng isang lalaki. Ang gatas at itlog naman sa pangalawang taludtod ay ang libido na lumalabas sa mga babae na kung saan ang itlog naman ay kung saan nasa matres ng isang babae at magiging malusog ang magiging anak kapag ang manok, gatas at itlog ay maayos na naghalo-halo. Ang saging at papaya naman ay nagsisilbing genes ng babae at lalaki kung saan kung ito ay mag-sama ay magiging maganda ang kalalabasan ng kanilang anak. Sa ikatlong taludtod naman ay kapag buntis na ang babae dapat uminom ng gatas at kumain ng itlog upang ang ina at anak ay malusog at magiging mabilog.





________________________________________________________________________________

Miyerkules, Pebrero 19, 2014

WANDERLUST=)

INTRAMUROS

Hindi ko first time na pumunta dito sa makasaysayang INTRAMUROS ngunit ngayon ko lamang ito nalibot ng bonggang-bongga. Kahit na masama ang aking pakiramdam ay hindi ko na ito alintana dahil sa aking mga nakikita. 
Ayan, WELCOME TO INTRAMUROS. Natuwa ako dahil nakakita na naman ako ng isang kabayo.Yan nga oh pinapakain pa siya ni kuya. Ang cute lang kasi niya tingnan at bigla ako napaisip na "paano kaya kung kabayo pa din ang transportasyon sa Maynila?" 




Erase, Erase, Erase!!!
Kasi panigurado ay mabaho ang kalsada kung ito pa din ang paraan upang makalibot sa kung saan mong gustong lugar. 


Sunod naman ay sa harap ng Manila Cathedral kung saan kasalukuyan itong nire-renovate.

 Naalala ko lang nung una kong pasok dito sa Manila Cathedral. Grabe!!! Sobrang tahimik sa loob kahit maraming tao. Kahit bulong mo lang tiyak na maririnig ng ibang tao. Natuwa pa ko sapagkat sa loob nito ay may bamboo pipes kung saan ay nagsisilbi nilang piano sa loob ng simbahan. Sayang nga lang at hindi ako nakapag-wish eh kasi ang sabi nila kapag first time mo sa isang simbahan ay mag-wish ka kasi siguradong matutupad. 


Next stop, Palacio Del Gobernador.Diyan nakatira ang Gobernador Heneral ng Espanya noong panahon na sinakop tayo ng mga Kastila.

 Nagustuhan ko lang mag-palitrato sa harap ng gusaling nabanggit. 



Sunod naman ay ang San Agustin Church na isa sa apat na unang naitayong simbahan noong 1571 na panahon ng tayo ay sinakop ng mga Kastila. 

Nakakatuwa ring tingnan sapagkat halos lahat ng establisyemento rito sa Intramuros tulad ng mga Foodchain, Bangko at iba pa ay nakasunod ang disenyo na may haplos pa din ng panahon ng mga Kastila. Hindi mo aakalain na mga sikat na Foodchain pala ang mga iyon. Piling ko tuloy bumalik ako sa lumang panahon.


Sunod ko namang nakita ang mga pagkakagawa ng mga building sa lugar na animo'y bahay ng mga Kastila o nung mga Pilipino noong unang panahon. Noon ay gusto ko na ganyang disenyo ang gagawin namin sa aming bahay sa probinsya ngunit mas nagustuhan nila ang mga modernong disenyo na.

 
  Akalain mo bang isang restaurant itong nasa larawan? Hindi ba't mukha itong bahay ng isang mayaman na angkan?


Pagod na pagod na ako sa paglalakad at sumasama na naman ang pakiramdam ko kaya next na namin pinuntahan ay ang SUQUI's Diner.

Nag-order ako ng Beef Oyster with Mushroom. Pasok na pasok sa budget sa halagang P75 at boom!! Mabubusog ka na. Karaniwan lang ang lasa nito ngunit kung gutom ka talaga ay tiyak na swak na swak. 

 Sulit naman ang pag-punta sa INTRAMUROS ngunit nabitin lang ako sa pagkain sapagkat wala naman masyadong kainan doon na siguradong maaalala mo ang INTRAMUROS kapag ito ay muli mong natikman. YUM YUM YUM!!!! =)


IT'S MORE FUN IN
INTRAMUROS
 


Martes, Enero 28, 2014

Skyway

San Juan River, San Juan City, Ika-28 ng Enero 2014- Pinaghahandaan na ng lokal na gobyerno ng Lungsod ng San Juan ang paglilinis ng makasaysayang ilog ng San Juan na umano'y matatamaan ng nalalapit na pagtatayo ng Skyway na nagdudugtong ng South at North Luzon Expressway. 

Miyerkules, Enero 22, 2014

PULSUHAN MUNA ANG MADLA BAGO KA GUMAWA...

WHY OH WHY...???





 Pinangangambahan na ng karamihan ang napipintong paglipat ng pasukan mula Hunyo na magiging Agosto o Setyembre para sa preparasyon sa ASEAN Integration sa taong 2015.
Kung tutuusin lamang ay hindi naman tayo dapat makipag-rampahan sa ibang 
bansa lalo na sa usaping ito. 
Ang sa akin lamang ay huwag na lamang sana nila pag-tuunan at pag-aksayahan pa ng panahon ang paglilipat ng pasukan sapagkat makakagulo lamang sa sistema na nakasanayan na dito sa ating bansa. Isa pa, sayang lamang yung oras na gugugulin nila upang baguhin lahat ng 
bagay-bagay na may kinalaman sa School Calendar.
 Bakit hindi na lamang bigyan ng pansin ang pagdaragdag ng pondo na para sa edukasyon lalong lalo na sa ating mga pampublikong paaralan?



Kung sa usapin naman sa pagbabago ng klima ang kanilang naging batayan upang ituloy ang paglilipat ng pasukan, 
hindi ba't mas maraming mababago kung ang dapat sana ay "summer vacation" ay mayroong pasok? Hindi ba't karamihan ng pista, mahal na araw at iba pang aktibidad ay nangyayari sa panahon ng tag-init?
 Hindi ba nila naisip na maapektuhan ang turismo kung sakaling ilipat ang pasukan ng Agosto o Setyembre? 
Kung ang dahilan naman nila ay laging walang pasok kapag may bagyo, eh hindi ba't maari naman magkaroon ng Saturday classes upang punan ang mga araw na suspendido ang klase?



Hindi ko talaga mawari kung bakit pa nila pinakikialaman ang hindi dapat pakialaman. 
Maraming pang problema ang kinakaharap ng ating bansa. 
Sana naman ay hindi na nila gawing "big deal" ang pakikipag-sabayan sa iba pang myembro ng ASEAN.


Sana naman ay bago nila ipasa ang isang bagay na gusto nila ipasa, alamin muna nila kung ano ang mga negatibong epekto nito sa mga mag-aaral at sa ating bansa. 
Alamin muna nila kung ang lahat ay sang-ayon sa kanilang 
mga hakbang bago nila ito aprubahan. 
Hindi lang naman ang mga pribadong eskwelahan ang may karapatan tungkol sa usaping ito. Karamihan ng mga pampublikong eskwelahan ay tutol dito sapagkat apektado ang kanilang kabuhayan kapag ito ay naaprubahan.


HUWAG TAYONG MAGING MAKASARILI SA MGA USAPING TULAD NITO.  

PULSUHAN MUNA ANG MADLA BAGO KA GUMAWA... 





Lunes, Enero 6, 2014

My Video Blog... =) How to...

MY VIDEO BLOG... 

How to Make GRAHAM CAKE =)





For Simple Steps in Making GRAHAM CAKE for any OCCASION.... =)
Click and Watch the Video... ENJOY..!!! =)

Polytechnic University of the Philippines
College of Communication
Department of Broadcast Communication
A.Y.: 2013-2014
ONLINE WRITING
Donna Leizel C. Aguho
BBrC 3-2
Prof. Krupskaya Valila

Biyernes, Disyembre 27, 2013

TUNOG TAO... TUNOG HAYOP... TUNOG NATING LAHAT...


TEORYANG BOW-WOW

       Ang Teoryang Bow-Wow ay maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao di-umano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Naniniwala naman ako na ang mga tao noon lalo na ang mga ninuno natin na sa kabundukan lamang naninirahan ay ginagaya ang mga tunog na kanilang naririnig sa kapaligiran. (Bernales, 2011)



http://www.esl-languages.com/en/animal-sounds.htm

       Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata, hindi ba?  Tulad na lamang ng ating mga ninuno, ginagaya din natin ang mga tunog ng ating kapaligiran habang tayo ay nag-kakaisip at natututong magsalita. Ang halimbawa nito ay tunog ng tren, choo-choo; tunog ng telepono, kring-kring; tunog ng motorsiklo, broom-broom; tunog ng baka, moo-moo; tunog ng manok;tiktilaok-tiktilaok  at inaakala natin na ang pangalan ng isang bagay o hayop ay kung ano ang kanyang inilalabas na tunog. 

         


http://e-teachme.blogspot.com/

http://banatero.tumblr.com/post/10726539156/banat-136-kung-sa-aso-aw-aw-sa-pusa-meow

http://www.mpmschoolsupplies.com/p-32228-animal-sounds-toddler-rug-x-rectangle.aspx
 
 
          Ang mga tunog na ito na nagagaya natin sa kalikasan at sa mga hayop sa ating kapaligiran ay hindi lamang ginagamit na mga bata habang sila ay nagkaka-isip  at natututo sa pakikipag-komunikasyon kundi tayo rin na nasa tamang edad na ay hindi pa rin natin maiwasan o hindi na natin mai-aalis ito sa ating mga  buhay-buhay. 
 
 
 

http://cdn9.staztic.com/app/a/2915/2915546/animal-sounds-lite-2000000-0-s-307x512.jpg

                 
                 Tulad na lamang ngayong panahon na ng modernong teknolohiya, ginagamit na ang tunog ng hayop sa pangalan ng isang Social Media Site na Twitter. Kapag sinabi mong "Tweet", ibig sabihin lamang ay ito yung post mo sa Twitter. Ginagamit na rin ang tunog ng hayop sa pag-likha ng musika tulad ng kantang "Roar" ni Katy Perry kung saan sa koro ng kanta ay pauli-ulit na nababanggit ang tunog ng leon na "Roar". 

 
 http://upcity.com/blog/2013/12/how-to-become-an-authority-on-twitter/

http://www.eonline.com/news/454321/katy-perry-s-roar-music-video-coming-soon-releases-jungle-themed-promo-pic 




                         Idagdag pa natin ang kantang "Super Bass" ni Nicki Minaj kung saan ang "boom boo room boom boom boo room boom bass, super bass" na tunog ng tambol ay nababanggit sa koro ng kanta. Nariyan din ang kanta ni Willie Revillame na "Beep 3x ang sabi ng Jeep" na sa koro nito ay paulit-ulit na nababanggit ang tunog ng busina ng dyip.

 http://mypinkfriday.com/users/BJaFtFcc



       Hindi natin maikakaila na ang Teoryang Bow-Wow ay sadyang kasama na sa ating mga buhay-buhay lalo na't ito ang wika ng ating mga ninuno noon sa kanilang kapanahunan. Malaking tulong talaga ang Teoryang ito sapagkat ito ang kanilang naging sandata upang magkaintindihan at makapag-usap. 


Ang Teoryang Bow-Wow ang tanging paraan na alam nila sa pakikipag-komunikasyon. 

Upang lalo pa natin maintindihan ang Teoryang Bow-Wow, halina't panoorin natin ang bidyong ito:
http://www.letvc.com/product/768/1033/the-animal-sounds-song?fullAccess= 

_____________________________________________________________________________________________

Sources:
http://www.rabernalesliterature.com/?p=1028  

Photo:
 http://www.esl-languages.com/en/animal-sounds.htm
  http://e-teachme.blogspot.com/ 
  http://banatero.tumblr.com/post/10726539156/banat-136-kung-sa-aso-aw-aw-sa-pusa-meow
  http://www.mpmschoolsupplies.com/p-32228-animal-sounds-toddler-rug-x-rectangle.aspx
  http://cdn9.staztic.com/app/a/2915/2915546/animal-sounds-lite-2000000-0-s-307x512.jpg
  http://upcity.com/blog/2013/12/how-to-become-an-authority-on-twitter/
  http://www.eonline.com/news/454321/katy-perry-s-roar-music-video-coming-soon-releases-jungle-themed-promo-pic
  http://mypinkfriday.com/users/BJaFtFcc

Video:
 http://www.letvc.com/product/768/1033/the-animal-sounds-song?fullAccess=