Miyerkules, Pebrero 19, 2014

WANDERLUST=)

INTRAMUROS

Hindi ko first time na pumunta dito sa makasaysayang INTRAMUROS ngunit ngayon ko lamang ito nalibot ng bonggang-bongga. Kahit na masama ang aking pakiramdam ay hindi ko na ito alintana dahil sa aking mga nakikita. 
Ayan, WELCOME TO INTRAMUROS. Natuwa ako dahil nakakita na naman ako ng isang kabayo.Yan nga oh pinapakain pa siya ni kuya. Ang cute lang kasi niya tingnan at bigla ako napaisip na "paano kaya kung kabayo pa din ang transportasyon sa Maynila?" 




Erase, Erase, Erase!!!
Kasi panigurado ay mabaho ang kalsada kung ito pa din ang paraan upang makalibot sa kung saan mong gustong lugar. 


Sunod naman ay sa harap ng Manila Cathedral kung saan kasalukuyan itong nire-renovate.

 Naalala ko lang nung una kong pasok dito sa Manila Cathedral. Grabe!!! Sobrang tahimik sa loob kahit maraming tao. Kahit bulong mo lang tiyak na maririnig ng ibang tao. Natuwa pa ko sapagkat sa loob nito ay may bamboo pipes kung saan ay nagsisilbi nilang piano sa loob ng simbahan. Sayang nga lang at hindi ako nakapag-wish eh kasi ang sabi nila kapag first time mo sa isang simbahan ay mag-wish ka kasi siguradong matutupad. 


Next stop, Palacio Del Gobernador.Diyan nakatira ang Gobernador Heneral ng Espanya noong panahon na sinakop tayo ng mga Kastila.

 Nagustuhan ko lang mag-palitrato sa harap ng gusaling nabanggit. 



Sunod naman ay ang San Agustin Church na isa sa apat na unang naitayong simbahan noong 1571 na panahon ng tayo ay sinakop ng mga Kastila. 

Nakakatuwa ring tingnan sapagkat halos lahat ng establisyemento rito sa Intramuros tulad ng mga Foodchain, Bangko at iba pa ay nakasunod ang disenyo na may haplos pa din ng panahon ng mga Kastila. Hindi mo aakalain na mga sikat na Foodchain pala ang mga iyon. Piling ko tuloy bumalik ako sa lumang panahon.


Sunod ko namang nakita ang mga pagkakagawa ng mga building sa lugar na animo'y bahay ng mga Kastila o nung mga Pilipino noong unang panahon. Noon ay gusto ko na ganyang disenyo ang gagawin namin sa aming bahay sa probinsya ngunit mas nagustuhan nila ang mga modernong disenyo na.

 
  Akalain mo bang isang restaurant itong nasa larawan? Hindi ba't mukha itong bahay ng isang mayaman na angkan?


Pagod na pagod na ako sa paglalakad at sumasama na naman ang pakiramdam ko kaya next na namin pinuntahan ay ang SUQUI's Diner.

Nag-order ako ng Beef Oyster with Mushroom. Pasok na pasok sa budget sa halagang P75 at boom!! Mabubusog ka na. Karaniwan lang ang lasa nito ngunit kung gutom ka talaga ay tiyak na swak na swak. 

 Sulit naman ang pag-punta sa INTRAMUROS ngunit nabitin lang ako sa pagkain sapagkat wala naman masyadong kainan doon na siguradong maaalala mo ang INTRAMUROS kapag ito ay muli mong natikman. YUM YUM YUM!!!! =)


IT'S MORE FUN IN
INTRAMUROS