GATAS AT
ITLOG
Alagaan mo ang manok
Bibigyan ka ng itlog. Ang gatas at ang itlog Ay pagkaing pampalusog. Ang saging at papaya Ay pagkaing pampaganda. Ikaw'y uminom ng gatas At kumain ka ng itlog. Hindi magtatagal At ikaw'y bibilog. |
Ang tulang pambata na ito ay isang kanta patungkol sa nutrisyon na makukuha sa
itlog, gatas, papaya, at saging. Sinasabi lamang sa tula na dapat tayong kumain at uminom ng mga ito upang tayo ay maging malusog at maganda. Ngunit kung gagamitan ko ito ng TEORYANG VOYERISMO, ang manok at itlog sa unang taludtod ng tula ay tumutukoy lamang sa pribadong parte ng katawan ng isang lalaki. Ang gatas at itlog naman sa pangalawang taludtod ay ang libido na lumalabas sa mga babae na kung saan ang itlog naman ay kung saan nasa matres ng isang babae at magiging malusog ang magiging anak kapag ang manok, gatas at itlog ay maayos na naghalo-halo. Ang saging at papaya naman ay nagsisilbing genes ng babae at lalaki kung saan kung ito ay mag-sama ay magiging maganda ang kalalabasan ng kanilang anak. Sa ikatlong taludtod naman ay kapag buntis na ang babae dapat uminom ng gatas at kumain ng itlog upang ang ina at anak ay malusog at magiging mabilog.
________________________________________________________________________________