Sabado, Disyembre 7, 2013
Body Pain...
4:30a.m.
tooot tooot tooot tooot...
Nag-alarm ang cellphone ko. Grabe! Ang lakas ng vibrate na halos inuuga ang ulo ko. Dumilat ang kanan kong mata at nakalagay sa screen, "Wake-up Mahal Ko". Sabay dial sa cellphone at sinagot naman niya agad. Ang sabi ko, "Good Morning Hon! gising ka na at mag-almusal para hindi ka gutumin sa Board Exam mo mamaya. Goodluck!!! I love you!". Binaba ko na ang cellphone at saglit na nag-dasal para gabayan ng Panginoon ang Mahal Ko sa pag-sagot ng mga katanungan sa Board Exam at para na rin magkaroon ng magandang resulta.
4:40a.m.
Bigla kong naramdaman ang sakit ng katawan na hindi ko alam kung bakit. Naisip ko lang na baka dahil yun sa nag-general cleaning ako ng bahay kahapon. Binuhat ang mga upuan na gawa sa Narra. Hindi ko na lang inalala yung pag-sakit ng katawan ko dahil madami pa pala akong gagawin. Mag-lalaba pa pala ako mamaya. Pero teka mamaya na lang alas-otso ng umaga dahil gusto ko pa matulog.
4:45a.m.
Hindi ko na maramdaman ang antok dahil na rin siguro kinakabahan din ako. (kala mo naman ako yung magte-take ng Board Exam eh noh) Kaya bumangon na lang ako para ibukod ang puti sa de color na mga damit.
4:50a.m.
Inilagay ko na ang mga puting damit sa washing machine. Mamaya ko na lang lalagyan ng tubig at sabon. Mag-aalmusal muna ako habang ka-text ang Mahal Ko at habang nanonood sa HBO.
Habang nakaupo ako, nararamdaman ko talaga na masakit ang katawan ko. Parang binugbog ako.
5:30a.m.
Nag-text na ang Mahal ko na paalis na siya papunta sa University of Pangasinan para mag-take ng exam. Tinext ko siya ulit ng Goodluck at I Love YOU. Ah basta ngayong araw na ito marami akong gagawin.
Habang nagta-type ako nito, nag-dadasal pa rin ako.
LORD, SANA MAGKAROON NG MAGANDANG RESULTA...
"I WANT WHOLE BODY MASSAGE!!!"
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sana makapasa siya, at sana gumaling na ang sakit ng katawan mo. :)
TumugonBurahinhehe... PRAYING pa din po kami Ma'am hanggang lumabas ang result. =) SALAMAT PO Ma'am Kaya... PAgaling din po kayo... =)
TumugonBurahinSino 'yung mahal mo?? :D whaaaa naalala ko lang dati 'yung kinwento mong 2yr relationship mo. haluh may bago naaaaa! :O :DD
TumugonBurahinahaha now ko lang nabasa to ah.. may nagcomment pala hehe... Giselle hindi na 2years kc malapit na mg-3years .. hehe kaw talaga.. =))
BurahinAng landi landi mo talaga, Ate! Hahahaha joke! Lovelove~
TumugonBurahinHEHE pde naman kc lumandi pag may time veron eh hehe =)))
BurahinOMG SINO YUNG MAHAL MO??? =)))
TumugonBurahin,hehe =)) Si Mahal ko... Mahal ko yun hehe =)
BurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinAng bilis ng panahon. This is year 2013. :) ngayon 2017 na. Kanya kanyang landas na, pero thank you pa rin sa prayers mo ng mga time na yun. Salamat din sa supporta. :)
TumugonBurahin